IF WE LOSE OUR RIGHT TO BE DIFFERENT....WE LOSE OUR RIGHT TO BE FREE.....SO TRY TO BE SOMEBODY!!!!

Friday, April 15, 2005

Lariosa: musta na!!

grabe! matagal din tayong hindi nakapagblog! grabeng yan, namiss ko tuloy ito! hehehe...

wina, madali lang mag-join sa aming org. hindi na kailangan ng kung ano anong pahirap. kailangan lang ay willing kang makatulong at mayroon kang commitment. hindi ko alam kung makaka-pag-recruit pa kami ngayong summer, pero sana... enewei, sa first sem, siguradong magseset-up kami ng sign up booth sa as walk. inform na lang kita.

may mga workshops lang na dapat kang puntahan. may interview din pero sa dulong bahagi na iyon ng application period. may mga akyat sa morong bataan kung saan magtuturo ka ng mga bata. may environmental awareness din kung saan magma-mountain climb tayo.

babala lang, baka kasi mabigla ka once na applicant ka na. maraming kakulangan sa org tulad ng tambayan, miyembro at budget. pero sa kabila ng mga kakulangan na ito, makikita mo na tulong tulong pa rin ang lahat, isang pamilya ang org. marami kang matutunan, sigurado ako dun!

criselle, raymond, jackie, sali din kayo sa UP Laging Pahinungod! once na maranasan ninyong makaakyat sa morong, siguradong gugustuhin ninyong umakyat uli.

Sir U, musta na? sir, kung gusto ninyo po palang mag-gurong pahinungod, pwedeng pwede! nakalimutan ko po kayong sabihan eh. tapos na training nila ngayon, pero meron pa naman next year. mga gurong pahinungod po iyong mga taong nagboboluntir na pumunta sa mga liblib na lugar para magturo sa mga batang kapos sa edukasyon dahil na rin sa kakulangan ng mga guro at kawalan ng mga gamit pampaaralan. iyong batch ngayon ay ipapadala sa masbate sa darating na june. sampung buwan mananatili ang mga gurong pahinungod sa lugar na iyon. kung interesado po kayo sir, taun taon naman po iyon. magkakasama sama ang mga gurong pahinungod mula sa iba't ibang up campus, diliman, manila, los baños, visayas, baguio at iba pa..

un lang! ingat kayo palagi!

Sunday, April 10, 2005

SALANG: hi!! weeee... bakasyon na.

hi!!
criselle! cathy! raymond! jackie!!!
haha. astig.
grabe, 'di pa ako nakakapag-beach... tsktsktsk. may masusuggest ba kayo sa'kin na mura at maganda? white sand na affordable? :D sobrang gusto ko na mag-beach... hayy.

cathy, pano sumali sa laging pahinungod? interested ako... org na may magandang cause.

criselle, hehe, napanood ko yung sa 'the buzz' kanina. wahaha. alam mo bang pinagdududahan ko rin yung sekswalidad ni piolo. may mga kilala din kasi akong mga gay na may asawa't anak. it doesn't follow na just because may anak ka ay hindi ka gay. oh well, pero mukha namang sincere si piolo sa pag-defend sa sarili. :]

waaah. medyo boring so far yung bakasyon para sa'kin kaya wala akong makwento.
uy, manood pala kayo ng 'y speak' sa studio 23 minsan... okay din na show yun. sundays 7pm ata. :D

yay!

MUSNGI!SUMAGOT NAMAN KAYO SA PINOST KO HA?

SUMAGOT KAYO PARA BONDING PA RIN AT WALA TAYONG LIMUTAN DIBA..BEST CLASS KO PA NAMAN ITONG PANPIL17 KAYA POST PA RIN TAYO OKI?LOVE YOU ALL!

MUSNGI:HELLOOOOOO!i love you Piolo!

KAMUSTA na ang ever galing kong groupmates?well,ako e oki naman..patuloy na nagiging critic sa mga napapanood ko...all becoz of our PANPIL17!astig maging iba...hehehe..miss ko na kayo seryoso..pati na si sir na laging nagpapatawa..patawang may laman at may sense no...nabalitaan nyo ba yung tungkol kay Piolo?naniwala naman ba kayo...personally,kung tungkol dun sa sex video niya..hindi ako naniniwala kasi naman no walang nunal....kung tungkol sa pagiging joding niya..dun ako medyo naniniwala...ewan ko siguro dahil sa malambot na pagkilos niya na kaya ko siya napag-isipan ng ganun....sabi nga dikta na ng lipunan na maging medyo matigas ang kilos ng mga lalaki....and hindi naman porke may anak ka e lalaki ka na..bakit si Ogie Diaz..pero still nasa paniniwala naman nating mga viewers yan kung anu nga ba ang tingin natin kay Piolo..at kung ano siya para sa atin...nakakagulo lang ay itong channel seven ...wala na talagang ginawang mabuti(except dun sa Darna na wagi talaga kahit pa si Angel locsing di marunonf mag-english ang bida...mwahahaha..infairness bagay sa kanya ang role)sbi daw kasi sadya ang mga paninira kay Piolo..in one part of the argument naman e sa tingin ko freedom of speech naman ang sa channel seven at talaga namang ganun ang kalakaran sa mga talkshow so tanggapin nalang although may point si Piolo na magalit dahil below the belt na ang mga paratang sa kanya...well..ang importante dito ay guwapo pa rin siya at hinihintay ko pa rin ang pagbabalik tambalan nila ng idol kong si Juday..hoy!wag niyong ipagkakalat na jologs ako ha?kasi nga idol ko si Juday!Juday forever!GO!KRYSTALA!

Monday, March 28, 2005

cj lariosa: join UP Laging Pahinungod

gusto ninyo bang magkaroon ng kabuluhan ang inyong buhay? nais ninyo bang makatulong kahit sa maliit na paraan? sali na kayo sa UP Laging Pahinungod! isang student volunteer org! magrerecruit kami this summer ng mga bagong aplikante. tuloy tuloy ang aplikasyon hanggang first sem. kaya meron sa summer dahil may mga activities ang org na tuloy tuloy lang kahit bakasyon na. siguradong mag-eenjoy kayo!

noong una kong punta sa morong, bataan para magturo sa mga batang aeta, isang linggo kong inalala ang experience kong iyon. masayang magturo sa mga bata. mababait sila at malalambing. masayang makipaglaro sa kanila! magkakaroon din kayo ng mga bagong kaibigan. maganda din ang tanawin papuntang morong!

kaya sali na kayo sa org namin!

magpopost na lang uli ako pag may bagong announcement.

ingat kayo palagi!

cj lariosa: musta na?

kamusta na kayo? magpost naman kayo! grabe! tapos na ang mga exams ko! kanina, nagtake ako ng final exam sa econ 11, pagkatapos, saka ko lang tiningnan iyong list ng mga exempted sa exam! aba! natuwa naman ako, kasama pala ako sa mga pinagpala. pero huli na, tapos na akong mag-exam. hiling ko na lang sana ay hindi na bumaba ang aking standing.. hehe! ingat kayong lahat! maligayang pagbabakasyon!

Friday, March 25, 2005

au revoir!viernes

paalam sa inyo mga panpil klasm8s. lam nyo mamiss ko 2ng clas na to. kahit na lugmok ako mnsan d2.hehe... i learned sumthn veri important hir. lyf in up is not hell but definitely not a bed of roses. i jst nid 2 b mor responsible wid things n how i handle situations. dpat dn ayucn ko ung sked ko. hndi ko alm kng anu mgiging grade ko d2 sa panpil. plz nmn kht trez lng. naiiyak na nga ako e. pro i hn no reasons 2 complain. im a student n i nid 2 follow d rules of the class. im jst a mere peasant wu nids 2 accomplish the requirements of my lord. un lng. sna nga pumasa ko d2 pro ung memories d2 sa clas is awsome. sna rn dnt tnk of me as an evil biatch wu jst wnt to shit on ppol. im mor dan dat. i hope u undrstand. if im lyk dis i cnt help it but surely i cn say nmn na i hv brains. d hell! i pass up ayt!? un lng po. n if mron ako pnaka nagamit d2 sa clas na 2 is the word KITSCH! i love it n i use it. ung new email ko nga is javier_kitsch@yahoo.com un lng po.. sna klasm8s kip in touch. i chek my mail; evry 2 days so i hope u cn sens sum shouts 2 me. mamiss ko kau. sbi nga ni kaye...au revoir!

Tuesday, March 22, 2005

Lariosa: tuloy pa rin...

sana nga tuloy pa rin tayo sa pagpopost dito sa blog natin. aba, nakakatanggal ng stress ang pagbaba-blog at pag-iinternet. pag asar ako sa mundo, punta lang ako ng internet shop para kahit papaano mabawasan ang inis ko. pero hindi naman palaging nangyayari iyon, lalo na kung wala akong pera... hehe, pero iba talaga ang epekto ng pag-iinternet. buti na nga lang may internet na ngayon.

pag nasa loob ako ng internet shop, tulad ngayon, para akong nasa ibang lugar, ibang mundo. ako lang mag-isa kahit may mga katabi ako. ganon din naman sila, walang pakialam sa kung anong nangyayari sa paligid. basta walang mang-iistorbo. gagawin ko ang nais kong gawin, magsusulat ako ng gusto kong isulat, kakausapin ko ang gusto kong kausapin.. pero kahit na ganoon ang pakiramdam, ang kaharap ko pa rin ay isang walang buhay na computer...

bakit kaya marami sa atin ay naging hobby na ang pag-iinternet? hindi ko alam ang eksaktong paliwanag, pero ang alam ko lang, nakakaramdam ako ng panandaliang aliw sa pananatili ko sa harap ng computer. nakakalimutan ko ang mga alalahanin kapag nagse-surf ako sa net. nakakatuklas ako ng mga interesanteng sites. sa halaga 15 pesos, magkakaroon ka ng sariling mundo sa loob ng isang oras.. ngunit mabibigla ka sa bilis ng takbo ng oras. biglang magiging blanko ang iyong mundo, nagsasabing nagunaw na ito, oras na upang bumalik s realidad. oras nang harapin ang mga problema. tapos na ang panandaliang aliw.

7 pesos na lang ang natitira sa account ko, kalahating oras na lang.. malapit ng magunaw ang aking mundo...


SALANG: march 22 na. the first of 2 deadlines.

(hindi ko alam kung kasama pa ito o ano...)

gusto ko lang magreact sa sinabi ni raymond go.
nakakaawa nga yung mga bagong artista sa dos, lalo na yung mga lumipat galing siyete. ang alam ko kasi todong pag-aalaga ang ginagawa sa mga artista ng siyete... tapos paglipat ng dos panandaliang sigla lang ang kasikatan nila.
tama nga naman... ang mga natitirang sikat na lang ay ang mga artistang matagal nang nagshoshowbiz. halimbawa, si zsa zsa, si willy, si vina, atbp. mga scq na yan? konti lang matitira sa mga yan. laos na nga ata si sandara e.


uy, groupmates, last day na nga 'to ng pagboblog... pero sana ipagpatuloy pa rin natin ang blog natin! :D sige na, astig yun... para kahit di na tayo classmates at groupmates, may kaunti pa tayong komunikasyon. hehe. diba?

GO: sir U

Sir, chow chow un tamang spelling.. mahirap maintenance ng chow chow! Kailang kasi malamig sobra.. either iaircon mo sya or tapas sa electric fan.. kung gusto mo ng malaki, bili ka bull mastiff, un ung kagaya ng aso sa see spt run! Malaki yun sobra haha..basta madami ok na malaking aso.. patulong ka pili sa mga madami alam.. and pag bibili ka, wag na wag ka bibili sa mga pet shops kasi overpriced mga nandun and minsan hindi ok mga puppes nila.. I suggest you go to a vet or sa isang breeder kasi sila tutulungan ka tlaga nila and dun makakasigurado ka ok un makukuha mo kasi madami sila alam bout mga aso nila and pwde ka rin patulong sa kanila if ever.. and isa pa pala, before bili ka ng aso, magresearch ka muna sa breed ng dog na gust mo kasi mas ok paga alam mo un characteristics ng breed na iyon and kung ano requirements and kung ano pang info about them para malaman mo kung ano un tama para sa iyo.. yun lang

Sir, totooo ban a un word na jolog nanggalimg sa jolina’s organization? May nagasabi kasi sakin.. kawawa naman ni jolina haha.. pansin niy ba hindi na siya sikat? Dati sobra tlaga eh pero paglipat niya sa 7, nawala na.. and isa pa, kawawa mga artista ng abscbn kasi yung mga tumatagal lang talaga yun mg dating sikat na.. kasi yung mga baguhan ginagamit lang nila eh.. pag nawala nay un kasikatan at hindi na gaano gusto ng mga tao ay tinatapin na nila.. tingnan niyo nagyon.. nasaan na sila tado at bentong? Sobra akong naaawa sa gaya ni bentong na nawalan ng trabaho.. hay.. buhay talaga! Napanood ko noong isang araw sag ma na pinatatamaan ni joey de leon si arnel at natawa rin ako kasi naman tingnan niyo, nasaan na si arnel ngayon? Wala na diba? Tapos un show niya na k dati buhay pa nagyon.. hirap tlaga maging artista! Ang pangit ng wowowee! Sobrang wlang kwenta yan.. mtb na lang dapat eh!

Monday, March 21, 2005

SALANG: malapit na ang deadline... uuyy....

post lang nang post.
hihi.
sa totoo lang, kawawa si sir sa mga mahilig magcram... kailangang basahin ang lahat ng mga entries na halos sabay-sabay pinopost.

----

ano na ba ang uso ngayon?
wala akong kaalam-alam.
hindi kasi ako sanay na manood ng tv, hindi ako nagbabasa ng dyaryo, at isa lang ang pinakikinggan kong radio station.
hindi ako "in" manamit, hindi mamahalin ang mga sapatos ko (actually, isang pair nalang ang sinusuot ko) at halos wala akong mga damit na 'branded'.

so, kung wala akong alam sa uso... at hindi ako sumusunod sa uso, jologs ba ako?
ano ba ang jologs? <--never ending talaga ang tanong na 'yan.
kaniya-kaniyang konsepto na nga lang siguro ang 'jologs' no?
pero napansin ko, ang kadalasan na nasasabihang jologs ay ang mga taong OA manamit, OA kung gumalaw at OA sa pagsunod sa uso.

ewan. sa totoo lang, minsan feeling ko jologs ako. lalo na kapag napapadpad ako sa mga mall na tulad ng podium at powerplant (dito lang ang pinakamalapit na fully booked store, wala pa kasi yung sa gateway). kapag nakakarating ako sa mga mall na 'to, feeling ko sobrang out of place ako. lalo na sa pananamit ko. ordinaryong ordinaryo kasi ang dating ko. ibang klase talaga kasi sila manamit at magsalita. hindi ko talaga makita ang sarili ko na nagsusuot ng mga ganun (heels kahit casual ang suot, makeup, maliliit na bag... yikk). nakakaconscious din.
pero hindi ibig sabihin nito na gusto kong maging katulad nila. hm, hindi ata bagay sa'kin (o sa personalidad ko). kahit sabihin ng iba na mukha (physically) naman daw akong bagay sa mga ganung lugar, hindi ko talaga ma-picture ang sarili ko ng nakasuot ng mga suot-mayaman (konyo? hehe).
basta. jologs. hindi. jologs. hindi. jologs. hindi. sino kaya ang nag-imbento ng term na 'yan? at bakit pa nagkaroon ng ganyang kategorya para sa mga tao? haha, ang labo. para saan pa? para gumaan ang loob ng mga hindi jologs? jologs na kung jologs, tao pa rin naman.

Go: sex videos

grabe sobrang dami na tlagang kumakalat na kung anu anong sex videos! haha si mahal mern, si francine prieto, si diana zubiri, si ethel booba at marami pang iba! hindi ko alam kung ano ang aking dapata na madarama para sa kanila kasi naaawa ako na kumakalat ang mga ito at nakasisira sa dignidad nila pero kasi naman sila rin ang may kasalanan nito.. sila ay pumayag na makuhanan ng mga nasabing videos.. iba na rin talaga ang teknolohiya nagyon kaya delikado na at dapat tayo ay magingat.. lalong lalo na ang mga kababaihan na madalas na ay nagiging biktima ng mga ito.. isipin mo halos lahat ng cell phones ngayon ang may cam and video cam na kaya pag napagtripan ka tapos agad.. sobrang bilis.. lalo na sa mga public crs and sa mga dressing rooms.. haha sigurado ako na dadami pa lalo ang mga sex videos na ito.. sa dami ba naman ng mga malilibog na tao db? haha at marami din dyuan ang mga gustong sumikat naa mga starlets na gagamit ng paraang ito upang sila'y sumikat agad.. basta tayo, ingat ingat na lang at sana naman ay magkaroon tayo ng respeto sa isa't isa... isipin mo, paano kung ang nanay mo, kapatid o kaya girlfriend m ang babaeng iyon? gugustuhin mo bang kumalat ang mga litrato o mga video na iyon? hindi db? kaya yun.. konti respeto lang sana...

GO: robots

sino sa inyo ang nakapanood na ng robots? ang ganda talaga niya sobra! panoorion niyong lahat ok? haha.. sobrang bilib na bilib ako sa animation ng palabas na tio.. sobrang ganda tlaga! pag inisip niyo dati rati ay 2d lang ang mga drawing nila tas si mickey mouse pa nga black na oval lang mata eh haha.. sobrang nagevolve na tlga mga cartoons and yung animatiojn natin! sobrang nakakabilib at hindi kapanipaniwala na ganoon na talaga kaadvance ngayon.. haha sayang sa Pilipinas hindi natin kaya nito.. sana ay makagawa rin tayo nito.. sobrang bilis tlaga magbago ng mga bagay bagay.. hay..

"We live in a moment of history where change is so speeded up that we begin to see the present only when it is disappearing" -r.d. laing

GO: manny

MANNY PA rin!! kahit na natalo si manny nung nakaraang linggo ay manny pa rn ako! kita naman nating lahat na kahit na sumabog na ang kilay niya't duguan ay pinilit pa rin niyang lumaban.. manalo matalo manny pa rin! minalas lang talaga siya nung araw na iyon habang si morales ay sinwerte naman haha.. basta manny ok lang yan.. mahal ka pa rin namin.. alam namin na makakabangon ka at lalaban muli! huwag ka sanang mawalan ng gana.. ang buong Pilipinas ay nasa likod mo at tuluyang susuporta sa iyo.. nakakalungkot na nangyari io pero gaya ng kahit anong laro ay may nananalo't natatalo.. hindi lahat ay pwde natin makuha.. sana ay makakuha si manny ng rematch! sana makalaban niya muli kahit sino kanila morales, barrera at marquez.. kaya niya yan alam ko.. at onga pala, totoo ba na kinuhaan siya ng dugo isang araw bago ng laban? kung totoo iyon ay sobrang unfair! syempre kahit papaano ay manghihina siya db? madaya.. hindi ko alam kung totoo yun pero may nagsabi sakin na nangyari daw talaga yonn.. basta. MANNY FOREVER!! idol ka pa rin namin lahat... sorry sa mga nagbet.. kawawa naman kayo.. haha meron pa naman sa susunod eh at sigurado akong mananalo na si manny doon!

GO: laparan

madami sa atin at kalimitan ay naiisip natn na dahil puta ang isang babae ay may karapatan na tayong bastusin at gawin ang kung anu pa man sa knaila pero sa totoo ay hindi dapat.. maling gawain ito at dapat natin itong baguhin.. hindi naman kasi ibig sabihin na kapag malandi o puta ang isang babae ay gusto niya agad na makipagsex kahit na kanino na lamang.. maaring kailangan lamang niya ng pera kaya niya ginagawa ito.. maaari rin na siya'y liberated at mahilig magexperimento o kaya naman ay open sa sex.. pero hindi dahil na ganito siya ay pwde nang abusuhin natin ang mga ito.. ako rin minsan napapansin ko na ako mismo nagagawa ko ito.. pag may makita akong babae na malandi't revealing manamit ay minsay naiisip ko kung anu ano.. siguro dapat lang natin sila hayaan iexpress ang sarili nila ngunit dapat ay gabayan kaht papaano upang hindi magkaroon ng mga hindi ninanasahang mga pangyayari..

GO: unimart

kanina nasa unimart ako para bumili ng pagkain para sa bahay dahil wala na makain dito. ts sinama ko na rin yun grocery list ng katulong.

paikot ikot ako sa grocery para bilihin yun sabi ng katulong na kelangan kong bilhin. pero shempre hindi ko matiis yung sarili ko na bumili ng junk food. mas napapasin ko na tumataas ang bilihan pag hindi ko kasama ang mommy ko mag grocery dahil hawak ko ang pera. pati parking amy bayad na! miss na miss ko na ang greenhills na libre ang parking! so ayun! nabili ko lng na junk food ko ay cheetos curly, pillows, at oheya. gusto ko pa sana bumili ng iba pa. pero ang mahal na ng bilihin tlga. nakaka-guilty bumili ng isang bag of chips na 100 pesos tapos sa mga ibang pamilya yun na ang halaga ng kanilang pagkain sa buong araw. pero kung minsan tlga hindi ko matiis na hindi bumili ng oreo or cheetos. ang sarap kasi nila. kaya ngayon para hindi na ako mashado ma-guilty. hindi na ako mag grocery!

Lariosa: alak

napanood ninyo ba ung commercial ng i-witness? ung tungkol sa alak? ang tanong ni jay taruc, bakit daw ang kabataan ngayon lulong na sa bisyo ng alak? tapos may isang part, baka daw dahil sa GSM, akala ko naman, ginebra san miguel, iyon pala, Galing Sa Magulang... pero kung tutuusin, hindi lang gsm ang dahilan...

ang mga commercial ngayon sa tv tungkol sa alak ay malaki ang ambag na impluwensya sa kabataan upang maudyok silang uminom.. halimbawa sa patalastas ng colt 45, ipinapakita ang imahe ng pag-inom ng nasabing produkto bilang kapana-panabik na eksena. ang eksena, isang binatilyo sa labas ng bar ang naghihintay mag-alasdose. pagpatak ng 12, diseotso na siya, pwede ng uminom. sabi nga ng ad "kaya mo na to." isa pang halimbawa, ang ad ng sun mig strong ice, "whaapaak!" malakas ang tama, masarap na pakiramdam. asteeg ang uminom! ito naman ang pahiwatig ng commercial ng red horse. sa paulit ulit na pagka-expose ng kabataan sa mga commercial na ito, madali silang mahihikayat na uminom. idagdag pa ang paraan ng pagbebenta ng mga inumin nakakalasing. palaging may babae pag may alak. makikita ito sa commercial ng red horse, kung saan ang babae ay napunta sa kandungan ng lalaki dahil sa lakas ng dating ng alak. ganun din sa colt 45, kung saan nagpapakitang gilas ang binatilyong lalaki sa mga babae. at ang pinakalatest na commercial ng ginebra, "bilog ang mundo." at dahil bilog ang mundo, nagpagulong gulong ang tatlo binata patungo sa mga babaeng nagsa-sunbathing. ipinaparating ng mga commercial na ito ng alak sa kabataan na magiging popular ka sa mga babae kung marunong kang uminom.

may pagbabago din sa target ng mga patalastas na ito. kung dati ay mga kalalakihan lang ang target nila, ngayon maging babae na rin. halimbawa, ang commercial ng gsm blue kung saan ang endorser ay si anne curtis. titigil ang mundo kung iinom ka. kontrolado mo ang mundo sa oras na uminom ka. ganito ang ipinapahiwatig ng komersyal. pabata din ng pabata ang target nila. 18, ang legal na edad, ngunit ang dating ng mga patalastas ng alak ay, hindi na makapaghihintay ang isa sa kanyang legal na edad para uminom, ngayon na ang oras, ito na ang tamang panahon. kabataan na din ang nag-eendorso ng alak, kasabay ng mensaheng "ginagawa ng tropa namin, gawin ninyo din sa tropa ninyo." halimbawa ang komersyal ng gsm blue na kung saan ang isang barkada ay may bonding session habang umiinom sila.

may ambag din ang mga tugtuging napapakinggan ng kabataan. halimbawa, ang kantang sige ng 6 cycle mind. ang lyrics, "ayos lang, basta't kasama, konting alak lang, kahit walang pulutan. ang minsan, naaalala, di magtatagal, tayo ay liligaya." tugtugin ito ng magkakabarkada, at maya maya, mag-iinuman na sila.. isa pa ang inuman na ng parokya ni edgar "tama na yan inuman na!"

ngayon, magtatanong sila kung bakit nalulong ang kabataan sa alak? nakikita lang nila ang epekto sa kabataan pero hindi na napapansin ang salarin sa pagkalulong nila..

--------------

umiinom ako, pero hindi bilang bisyo, hindi para maging popular, hindi para maging asteeg.. umiinom ako kung may okasyon lang, para makisama.. sabi nga sa last order sa penguin "being drunk together is a part of friendship"

Lariosa: P4.95 na lang dahil may K ka na...

Pahirap ng pahirap ang buhay ngayon.. Kung magkakasakit ka pa, eh dagdag gastos lang. Kaya bawal talaga ang magkasakit. Pero paano ka makakaiwas sa sakit? Uminom ng clusivol? Siguro naman napapanood ninyo ang commercial ng produktong ito… bawal magkasakit, kaya mag-clusivol, P4.95 na lang! Iisipin mo, mura na, pero pansin mo ba ang mali sa commercial na ito? Mabigat ang gawain ng mga taong ipinapakitang umiinom ng gamot na ito. Kakailanganin talaga nila ito upang hindi bumigay ang kanilang katawan sa nakakapagod na gawain. Pero sa liit ng kinikita nila, makakabili pa ba sila ng halos limang pisong gamot sa araw araw? Magkano ba ang kinikita ng isang grocery bag boy, ng isang magsasaka? Isang capsule ba ang makakasagot sa iba pa nilang pangangailangan?

Ang sinasabi ko lang ay, karamihan sa mga commercial sa tv ay hindi naman talaga makatotohanan. Tulad ng mga shampoo commercial, ang paggamit ba talaga sa produktong ito eh magdudulot sa iyo ng malani-rebond na hair? Sabi pa ng isang ad ng shampoo (hindi ito ang eksaktong pagkakasabi), “kahit hindi ka maganda, maganda ka pa rin.” May magic kaya ang mga shampoo na ito? Parang ung commercial ng maxipeel, “may k ka na. kutis artista, kutis maxipeel.” Kailangan bang gumamit ng ganitong produkto para lang magkaron ng k? eh iyong smart kid? “giving your child not what he wants but what he needs.” Kailangan na ba talaga ng mga bata ang cellphone?

Hindi dapat tayo nagpapaniwala basta basta sa mga commercial sa tv. Dapat maging kritikal sa kung ano ang nais na iparating sa atin ng mga ads na ito. Huwag basta magpapadala sa mga artistang nag-eendorso ng mga produktong ito. Huwag basta paaakit sa magandang konsepto ng mga commercial. Maging mapanuri sa mga mensahe ng bawat commercial.

Sunday, March 20, 2005

GO: DECS deped.. ewan..

pansin niyo ba na ang daming ginagawa at nagiging aktibo sobra nagyon ang ating education department? madami akong naririnig na mga balita at mga pagpaplanong mga pgababagong gustong gawin ng deped sa sistemo at edukasyon sa pilipinas in general.. isa na rito ang nasabing sex ed sa grade 5.. tapos naalala ko nung nakaraang 2 mnths ata ay napanood ko sa tv na sinasabi na pinaplano na raw na tanggalin ang mga extra curricular activities sa mga public schools.. tungkol dito, hindi ako appove sa pagpaplanong pagtanggal na ito.. bakt? kasi ganito: maraming mga bagay ang natututunana ang isang bata sa mga ECAs na hindi naituturo sa mga subjects niya.. nakakatulong ang mga ECAs sa pagdedevelop ng communication and survival skills ng isang bata.. hindi naman lahat ng bagay ay maaaring matutunan sa loob ng sild aralan kaya nararapat lamang na bigyan sila ng pagkakataon na matuto sa labas at magamit ang mga natutunan sa loob sa labas.. gets? sori kung malabo.. sa tingin ko, ang mali sa sistema nagyon ay kung paano ito iniimplement sa public schools.. kailangan pagtuunan ng pansin dapat ng mga eskwelahan ang mga ECAs para sa maayos na pagtatakbo nito.. dahil kung maayos ang naging pagppatakbo rito, sa tingin ko y magiging beneficial ang pagkakaroon ng ECAs sa ating mga kabataan.. diba diba? kayo ano tingin niyo??

GO: SEX ed sa grade 5? dapat lang!1

Musngi, ako tingin ko dapat lang na may sex ed na grade 5 pa lang.. grade 5 diba 11 yrs old yun? dapat lang noh! kasi mga bata ngayon even before they reach 10 alam na nga nila ano sex eh... iba na tlaga panahon ngayon and i think it is but right that they implement that kasi naman noh... sobrang grabe un media and un entertainment industry when it comes to sex.. kahit saan ka tumingin puro mga nakahuabd or revealing o mga nakaseductive poses mga tao.. tapos mga movies puro about sex dn and basta lahat! sex sells kaya ginagamit tlaga ng mga big companies ito.. and since ang mga bata ay wala pang sapat na kaalaman tungkol dito ay kalimitan silay ay napapasubo sa kung saan saang bagay na may sex na kasama.. if hindi ito gagawin, dadami ng dadami ang mga batang malululon sa sex at kung anu ano pang gawain that involves sex.. and if proper education and info is given them, i think mas magiging aware sila sa mga dos and donts regarding sex and mas magiging responsible sila therefore protecting them and helping them at the same time.. sobrang dami tayong makukuhang benefits pag ginawa nila ito kasi pag ginawa ito, makakatulong ito sa pagbababa ng population rate natin dahil mas informed na sila tungkol sa sex at mga epekto nito and blah blah.. un lang.. in short, im in favor of of sex education.. and isa pa, its fun to learn about sex.. haha you learn and have fun at the same time! ok un diba? gaya ng sa panpil17 class natin haha slurp slurp slurp.. sipsip haha sir! bonus bonus na yan hahaha jk..

SALANG ulit: tungkol naman sa post ni fabito

hehe, di ko naman alam kung aling klase ni sir galing yung mga nirereactan ko.

tungkol nga sa religion, at sa third sex.

okay lang sa'kin ang mga gays and lesbians. sa totoo nga, astig sila at nakakahanga kasi kayang-kaya nilang humiwalay sa norms... walang takot. proud pa nga kung minsan e. galing. pero ako, hindi ko maisip ang sarili ko na ganun... oh well, kaniya-kaniya na lang tayo.

yung sa religion... nagdidikta kung tama o mali ang pagiging gay o lesbian.
dapat hindi kinocondemn ang third sex. hindi nila kasalanan na ganyan sila. choice nila yon at may free will naman tayo di ba? wala akong nakikitang mali. nakalagay nga sa bible na ginawa ni god ang man at woman... hindi naman nakalagay dun na hindi siya gumawa ng third sex di ba.
kaya medyo naglie-low na rin ako sa relihiyon ko (katolisismo) kasi hindi ako sumasang-ayon sa lahat ng mga beliefs nila. 'tsaka sa tingin ko hindi naman totally required ang pagsimba every week. pwede ka namang magdasal, pasalamat sa Kaniya any day di ba?

well, ang punto ko ay, hayaan na ang mga gay at lesbians... kung kaya naman nilang panindigan yung sarili nila e di okay. hindi na dapat kinakahon ang mga tao sa ideals ng sistema na hindi naman talaga nagpapagaan ng ating buhay. lalo na ang religion. okay talagang magkaroon ka ng FAITH. pero kung ang faith mo naman ay nakakasakal sa pagkatao mo at feeling mo ang sama sama mo, e di mag-isip isip ka... hanapin mo ang talagang pinaniniwalaan mo at nagbibigay sa'yo ng piece of mind.

SALANG: tungkol sa post ni laparan...

patriarchy is good??!!!
ano yan?
hehe, no offense pero 'di ako sang-ayon!

oo nga, may kani-kaniya tayong mga roles as a member of our society pero hindi naman naka-set yung mga 'yon na 'for men only, and for womenb only'.
halimbawa, stereotype ng lalake ang maging breadwinner... pano kung gusto ko rin, as a woman na magtrabaho para sa pamilya ko. gusto kong magka-career. eh di hindi ko makakamit yun kung mga lalake lang ang nagdidikta ng sistema; hindi maririnig ang boses ko.
stereotype din ang pagiging matapang at macho ng mga lalake... ano na ang gagawin ng mga babae, magiging sunud-sunuran na lang? lalake lang pwedeng maging active? hinde no.
kung kailangan magkaroon ng isang certain, rigid set of roles for men and women para magka-order, malabo yun. masmagulo. pano kung ayaw na ng isang lalake o babae sa role niya sa buhay? syempre mag-aaklas yan! dapat talaga pantay-pantay lahat... lalake man o babae. kung ano ang gusto mo at feeling mo tama ka, e di yun. hindi pwedeng isang uri lang ang naghahari. pero syempre andiyan na yung responsibility mo na ikonsider ang mga tao sa paligid mo. hindi basta basta gumagawa ng kung anu-ano.
hindi kailangang mag-impose ng sistema kung saan isa lang ang nangingibabaw na uri. kung order ang gusto nyo, gumawa ng sistema kung saan walang naaaping uri.

feeling ko maraming magsasabi na magulo ang magkaroon ng freedom of choice para sa lahat pero kasi, ang point ko, magkaroon nga tayo ng responsibility. sige, naive ang dating ng post na 'to kasi imposibleng lahat ng tao ay magiging mabait at wala nang crime sa mundo pero yun... naive nga pero yun talaga ang dapat pinapraktis ng mga tao RESPONSIBILITY. PANAGUTAN NYO ANG LAHAT NG GINAGAWA NYO.

haha, na-realize ko biglang nawala sa patriarchy yung huling paragraph.

Lariosa: sagot sa punto ni Fabito

Jehova's Witness, di ba sila iyong mga kumakatok sa mga bahay-bahay na namimigay ng mga magazine tungkol sa kung "ano ang nasusulat"? madalas noon na may mga dumadaan na kasapi nilang miyembro sa lugar namin, buti wala na sila ngayon. ang tangi lang naman ata nilang nasasaksihan ay kung ano lang ang gusto nilang masaksihan at "ang nasusulat" para sa kanila ay kung ano lang ang gusto nilang masulat. syempre, kung tatanungin mo sila tungkol sa mga bakla at lesbiana, wala silang masasagot dahil hindi nila iyon nais masaksihan at hindi nila iyon nais masulat kaya wag na silang kulitin pa!

pagtuunan natin ng pansin ang kaligtasan. bakit sa tuwing ito na ang pag-uusapan ay laging sentro ang mga taong hindi maililigtas, mapabakla man, o lesbiana, kriminal man at masasamang tao. hindi kaya naniniguro lang sila na hindi sila mag-iisa kung sakali mang hindi rin sila maligtas? hahaha!!!

sige, mas seryosong punto...

hindi kasalanan ng mga bakla at lesbiana na maging ganun sila. muli, dikta ng lipunan kung bakit iba ang tingin sa kanila ng mga tao. maaaring hindi sila mailigtas ngunit hindi sa kadahilanang sila ay bakla at lesbiana. hindi nakasalalay sa kanyang identidad ang kaligtasan ng isang indibidwal. dahil kung gayon rin lang ang batayan ng kaligatasan, walang maililigtas sa atin.

kung ganito ang punto, ano pala ang magliligtas sa atin?
-- kung ano ang paniniwala mong makapagliligtas sa iyo, iyon ang gawin mo.

paano naman iyong mga walang pinaniniwalaan?
-- sa palagay ko naman, maililigtas sila batay sa kung paano sila namuhay.

Lariosa: sagot sa punto ni laparan

"ang patriarchy ay supposedly magandang sistema," pero iyon nga ba ang lumalabas? kung susuriin ang pamamalakad sa ating lipunan, kakikitaan ng hindi pagkakapantay pantay ang lalaki at babae. maaaring may kanya kanyang silang gawaing ginagampanan sa lipunan pero iyon nga ba ang gusto nilang gawin? naging basic para sa mga babae ang gawaing bahay at mag-alaga ng kanilang pamilya dahil iyon ang sinasabi ng sistema, ngunit pinili ba nila iyon? ganun din para sa mga lalaki, naging provider sila para sa kanilang pamilya ngunit ninais ba nila iyon? maganda ang konsepto ng pagtutulungan dahil iyon naman dapat ang maging tungkulin natin sa bawat isa. ngunit ang pagsasabing may mga gawaing hindi kayang gawin ng babae kaya ibinibigay na lamang sa mga lalaki ay maling paniniwala. masyadong minamaliit ang kakayahan ng mga kababaihan, at masyado namang inaasahan ang mga kalalakihan. ang mali sa patriarkang sistema ay ang pagdidikta ng mga dapat na tungkulin ng babae at lalaki. hindi madaling maging babae kung iyon ang inaakala ng mga lalaki at hindi madaling maging lalaki kung iyon ang inaakala ng mga babae.

*** napagtanto ko na ang patriarka ay hindi usapin ng inaapi at nang-aapi, ng dominante at ng mahina kundi ito ay isang sistema kung saan ang lahat ay pare-parehong biktima ng dikta ng lipunan.

*** nalaman kong mali ang sabihing "kasi patriarka ang ating lipunan" kung sakali mang may mga naaaping kababaihan at mahina dahil kung tutuusin maging ang mga lalaki at dominante ay nakapailalim din lamang sa sistemang ito.

higit sa lahat, natuto at namulat ako sa pagsagot sa post na ito.

Saturday, March 19, 2005

MUSNGI:PABOR BA KAYO?AKO HINDI....SEX EDCATION SA GRADE FIVE?..NAAAH!

NABALITAAN nyo ba yung proposed bill na ngsasabing isasama daw ang sex education sa curriculum ng mga bata sa elementary starting grade five..well ako oo...at para sa akin hindi ako pabor...marami akong punto kung bakit jologs ang proposal na ito:

1.tinatanggal nito sa karapatan ng mga magulang na sila mismo ang magdevelop ng personality ng mga anak nila...

2.mas kilala kasi ng mga magulang ang mga anak nila kya...mas makabubuti kung sila nalamang ang magbigay ng lessons bout sex sa anak nila...kung iisipin kasi kung mga teachers ang magtuturo ng mga bagay na kasing sensitive nito...at sa grade five pa e mas prone ito na imbis na edukasyon ang makuha e baka mabuo pa ang malisya sa mga kabataan..at kung magkakaganun e baka sa sobrang shock sa mga nalaman e iexplore nila ang sarili at baka simulan pa ng mas malaking problema...

3.kung overpopulation naman ang dahilan kung bakit pri-nopose ito e...may point sila pero dapat hindi sa grade five na panahon pa ng kamusmusan...hayaan nalang muna natin silang maglaru-laro dyan ang all...

4.halller!wala na ngang mapagkunan ng budget para sa mga nakabinbin na projects ng gobyerno e magdadagdag pa sila?not unless gusto pa nilang doblehin ang utang natin sa IMF at world bank?pati ng Peyups e binabawasan ang budget e magdadagdag nanaman...

5.san sila kukuha ng mga magtuturo?dont tell me yung mga teachers ng science na matagal ng nagtuturo sa school?tsk...di kaya risky yun kasi most of the elementary teachers nowadays e mga nagtatandaan na at iba talaga ang paniniwala nun..baka imbis na matuto at lumawak ang minds ng mga bata e ma-confuse lang sila...iba iba kasi ang takbo ng utak ng mga tao diba...

6.wala rin naman sa overpopulationa ang dahilan kung bakit nagkaka-poverty sa pinas....kasi dba dun sa statistics na pinakita ehindi yun ang dahilan but corruption at lack of discipline..so i-disiplina nalang ang mga bata at ipakita ang moral!

7.nawawala angpagiging sacred ng act na ito..pano syempre malamang e negativity nito ang ipakita,,,,,at imulat sa mga studs!

8.included din kasi dito na ipakita na hindi ideal ang malaking pamilya at ideal ang dalawa..aba baka kapag ang batang nag-uundergo ng subject na ito e tatlo sa pamilya e baka kamuhian na nya nag mga magulang nya,

9.The proposed Mandatory Sexual Education to young students is to give the information on sexual rights ,modern family planning , safe sex , and use of modern contraceptive devices among other things. mali ito dahil bumubuo at nag fo-form lang ito ng“sexually liberated” children na puwedeng magdemand for their“sexual rights” being “free from coercion” from their parents and Commandments of God.

10.kasi nakakatawa na may penalty sa mga parents na hindi magbibigay sa ank nila ng kanilang mga "sexual rights"(wait natatawa ko)...na ang result magiging malilibog lang ang mga bata nakakatakot dahil at the age af 10?


YUN LANG!KAYO PABOR?

MUSNGI:nasa faith yan!!!!learn it live it,love it!

malamang na mag sound like bias ang post na ito.kasi eversince meron na kong connection sa mga bading o tomboy..alam mo kasi para sa kin ha....hindi naman totoo yang mga pinagsasasabi ng mga bible tutors o anomang twag sa kanila(hindi ko talaga alam basta ang alm ko sila ung mga nangangatok sa bahay na naka-mahabang bestida at naka-tirintas)...kasi kung titignan mo nalang....may nakasulat ba sa bible na "at kung meron mang magiging homosexual ay di matutuntong sa langit"...medyo literal ako...pero kasi magiging napaka unfair ni God kung ang sexualidad ang magiging basehan nya ng totoong alagad niya...ngayon nga ang mga straight guys at gels pa ang gumagawa ng masama e...rape dito,nakaw dyan,patay dito,sunog dyan...traydor dito,plastikan dyan...oo ngat merong mga homosexual na gumagawa ng masama pero mas pa rin tayong mga normal(kung yun ba ang tamang tawag)

paghambingin nalang natin oki.....tomboy at lalaki....ang lalaki mas malalakas ang loob manloko ng mga babaeng alam nilang super inlove sa kanila...hindi marunong kumilala ng true love at di marunong mag-alaga ng mga babaeng handang ibigay ang lahat sa kanya....kaya nga sila pa ang nagiging dahilan kung bakit may tintawag tayong man hater diba....at kung minsan sila pa ang nagiging dahilan kung bakit may nagiging tomboy...kaya rin mas maraming babae ang mas pumipili ng tomboy kasi nga ang tomboy marunong mag-alaga ng relasyon...nasa kanila yung ugali ng lalaki na hinahanap ng babae kaya lang nga nasa katawan ng babae...marami na rin akong friends na ganyan...mga traumatized sa lalaki....sila ring mga lalaki ang dahilan kung bakit nagkakagalit ang mga magkakaibigan tignan mo nalang si Sofia at Diana(joke)....sila pang mga lalaki ang mga di mkapaghintay kaya nang gagahasa....hindi naman lahat pinalalabas ko lang ang point ko na wala sa sexuality ang pagja-judge sa isang tao...

ganun...ito e para sa pananaw ko lang naman ha....minsan nga tulad ng friend ko na jehova din e sobrang maka-Diyos at sobrang dedicated sya mga activities nila...kaya nga sa tingin ko if may panininiwala ka at nagtitiwala ka hindi lang sa Diyos kundi pati na rin sa sarili mo maliligtas ka...at para sakin ginawa tayong lahat ng Diyos bilang oo..mga taong may katawang lalaki at babae pero hindi kasama at di hawak ninuman kung ano ang magiging pagkatao natin habang nagdedevelop tayo,,,,,at wala sa nanay natin at ang pagbubuntis nya sa atin ang dahilan kundi nasa sarili nating nararamdaman...at kung ano ang magiging desisyon natin at syempre kung paano natin tatanggapin at ide-develop pa yung pagkataonbg un sa isang mabuting nilalang yung para sa kabutihan ng lahat hindi selfish at syempre na kay God na ang pagtanggap sa atin..kaya nga sinabing magulang natin sya e...umiingtindi,tumatanggap at nagmamahal unconditionally....kaya pag sinabi ng mga bible tutors na yan na hindi tayo maliligtas pag tayo e homosexual at malamang milyon na ang pinaniwala nila sa ideology na yun..sabihin natin na baka naman sila ang di maligtas nyan?joke....ito e paniniwala ko lang naman ......walng intensyong manipulahin ang utak ng makababasa.....bow!

Lariosa: wrestling

Wrestling

Bayolente! Ito lang ang masasabi ko sa isports na ito. Noong maliit pa ako, nakkikipaglaro ako sa mga kapatid ko nito. Ngunit simula ng maunawaan ko ang maaaring masamang dulot ng wrestling, kimuhian ko na ito. Maaari mapilayan, makasakit sa iba ang taong ginagaya ang mga wrestlers. Akala mo, normal lang, okay lang dahil ginawa nila. Asteeg pa nga ang dating sa iyo kasi natatalo nung isa iyong isa. Pero hindi mo napapansin, inuuto ka lang ng mga wrestlers na iyan. Magaling lang silang umarte.

Kung iyong susuriin, ang paglalaban ng dalawang wrestlers ay obvious namang pinagpraktisan na nila. May mga pagkakataon pa ngang hindi pa sumasayad iyong kamay ng isa sa kalaban eh tutumba na ito. Maging ang wrestling ring eh may daya. May spring sa ilalim para ipakita na malakas ang impact ng bagsak at nayayanig ang ring. Hindi din makatotohanan ang laban. Eh kung sa totoong buhay iyon dapat hindi na sila makakabangon, dapat bali bali na ang kanilang mga buto.


Sa cable tv, isang channel dun ang buong araw at buong magdamag na nagpapalabas ng mga naglalabang wrestlers. Mapababae man o lalaki. Pwedeng pwedeng panoorin ng mga bata kahit anong oras. Nega ang magiging epekto nito sa knila kung sakaling hahayaan lang silang manood ng walang gabay. Gagawin nila ito sa ibang bata, iisipin nilang siga sila. Magiging idolo nila ang mga bayolenteng wrestlers. Tigilan na ang pagpapalabas ng wrestling sa tv!!


Lariosa: bonus points daw kung sasagutin ang mga ito...

pipol! ito na po iyong sinasabi ko na nakapost sa blog ni sir U...

GAHASA
kathy laparan ^-^

kung puta ba ang isang tao pwede na syang pagsamantalahan, at hindi mako-condemn ung criminal? hindi. unfair.did you know what real patriarchy is?ang sabi sa social justice... ang patriarchy daw ay supposedly magandang system... sa ganitong system, men and women are actually working together...ang basic function naman talaga ng mother di ba is to take care of the children, mamahala sa house, mag-asikaso sa internal needs ng family.. care and support..ang husbang provider, primarily but not soley, sya nagpo-provide lahat ng needs ng family... he basically takes care of the family din.. katulad ng wife.... xmpre silang dalawa hindi naman nila kaya iprovide separately lahat kaya they need to help each other.. nagtutulungan sila pra maprovide ung dapat maprovide..ang basic nga na binibigay ng husband/father ay security and protection.. kaya ganun..patriarchal kasi lahat ng hindi na kaya ng women, men na ang gagawa at magbibigay...

BONUS POINTS SA MGA TAONG SASAGOT SA PUNTO NI LAPARAN.


Fabito - paniniwala ko tungkol sa third sex at faith

May nagsabi sa akin na kung ano ang dahian kung bakit nagkakaroon ng bakla at tomboy. Kasalana daw to ng mga magulang. Pag buntis pa lang daw kasi yung ina, sasabihin daw ng ina,"Sana babae ang maging anak ko." Tapos sasabihin naman ng tatay,"Sana lalaki ang anak ko." Kaya yun, nagiging babaeng lalaki o kaya naman ay lalaking babae ang anak nila. Hehehehe.... Walang basehan.....

Tuwing Sunday, may pumupunta sa bahay na mga members ng Jehova's Witness. tapos nagcoconduct sila ng parang bible study. Tinuturuan nila ako tungkol sa bibliya, while sa tingin ko mejo niyayakag na rin ako sa relihiyon nila. Napag-usapan namin yung tungkol sa mga bakla at mga tomboy. Sinabi nila na babae at lalaki lang daw ang ginawa ng Diyos, di raw kasama dun ang mga third sex. Nagtaka ako, kung ang ginawa lang ng Diyos ay babae at lalaki at di niya ginawa ang mga nasa third sex, e sinong gumawa sa kanila? Hindi naman sila makasagot. Tapos may sinabi pa sila na hindi raw maliligtas yung mga ganun. Naisip ko tuloy na kawawa naman pala sila, kasi kahit gumawa sila ng kabutihan sa hell pa rin sila pupunta. Edi kung bakla ako at alam ko ang tungkol sa bagay na ito, edi gagawa na lang ako ng masama. Ganun din naman e. Tinanong ko rin sa kanila yun, kung pati rin ba yung mabubuting taong nasa third sex otomatik ba silang di maliligtas. Hindi rin nila nasagot. Naisip ko rin na ang lupit naman pala ng Diyos na yun kung dahil lang sa pagiging third sex ay mapaparusahan sila agad kahit na mabuti naman ang ginawa nila diba.

Kaya yun, wala akong natutunan tungkol dun sa pinag-usapan namin. Lalo pa nga ako naguluhan. Pero sa bagay, naniniwala naman kasi ako na hindi naman sa relihiyon nakasalalay ang kaligtasan ng tao e. kahit na babae, lalaki, bakla. o tomboy man siya. Faith ang magliligtas sa tao, hindi religion.('',)

BONUS DIN KUNG SASAGUTIN ANG POINTS NI FABITO.

Lariosa: daan kayo sa blog ni sir

hi sa lahat! napadaan na ba kayo sa blog ni sir? daan kayo dun, kasi may mga article dun na kung sasagutin ninyo ay may bonus points. susubukan kong i-copy and paste dito, kaso lang nagloloko na naman itong cp na gamit ko. short ako ngayon sa pera kaya hindi ako makapagpa-open time. kanina ko pa nga sinusubukan na magcreate ng post kaso ang tagal talagang magbukas.

ano bang ayos pag-usapan? sana may topic tayo para naman may maipost tayo. cge!

Tuesday, March 15, 2005

SALANG: napapanood lang

alam nyo ba yung 'going bulilit' na show?
wala lang, natutuwa lang ako sa mga bata. actually, medyo pangit yung dating ng show sa'kin nung una ko itong napanood... kasi parang ambabastos ng mga jokes nila. ginamit lang yung mga bata para hindi masisisi yung mga nag-isip ng mga joke. pero, naalala ko yung sinabi sa'kin ng kaibigan ng kaibigan ko (kasali sa creative team na nag-conceptualize nun) na ginawa talaga ata yung show na 'yun para magkaroon nga hidden meanings yung mga joke sa show (para maaliw din yung mga adult viewers). pero okay lang naman di ba? hindi talaga masasabing super sama na ginagamit yung mga bata... kasi, talaga namang nagshe-share ng mga joke na ganyan ang mga bata e, kahit hindi nila masyadong naiintindihan. nakakatuwa talaga yung pag-arte nung ibang bata, ang galing nila. may isang bata nga lang dun na ewan ko ba kung pano nasali e di naman marunong umarte... kyut lang kasi siya. anak siguro ng isang taga-productions, hehe (hala, gumawa ng isyu).

wala lang, naalala ko lang. sobrang nakakatuwa sila e, lalo na yung segment ng 'lovers in pares'. haha.
wala lang kasi akong maisip na i-post na tungkol sa pop culture. siguro, magkakaroon din ng show na ganyan yung konsepto sa siyete. hindi naman sa sinasabi kong gaya-gaya sila ha. pareho naman atang gaya-gaya yung dalawang istasyon e! ewan ko sa kanila. agawan sa kung ano ang magiging bago at uso sa lokal na telebisyon.
sa totoo lang, hindi talaga ako nanonood ng tv e. mga 4 times lang ata per week ako nakakanood. (weirdo ba ako?). anyway, so ang point ko ay wala akong alam sa tensyon sa pagitan ng mga tv stations... kaso lately, parang parati ko nalang naririnig na pinagdedebatihan ng mga tao kung alin ang mas-okay at astig na istasyon. alin ang mas may originality. kapuso o kapamilya? aba, ngayon-ngayon ata gumagrabe yung pagiging competitive nila... agawan ng artista, agawan ng konsepto, unahan sa imported na telenovela, atbp. ewan ko sa kanila. sa sobrang pagalingan nila, nagkakaroon tuloy ng pangit na palabas. --kaya siguro hindi na ako nanonood ng tv.

.

SALANG: mga gabay-tanong para sa huling papel

wow, tagal ko nang 'di nagpopost a...

1. anong uri ng alienation ang ipinakita sa aling mga eksena ng Last Order sa Penguin?
2. sino ang tama sa debate sa dulo ng dula, si Tuxqs o si Sweet?
3. gamit ang mga metodong natutunan sa "News Stories on Rape," suriin ang mga representasyon ng bakla at lesbiana sa dula.
4. anong uri ng popular na kultura ang tinatangkilik ng mga tauhan at bakit? ano ang sinabi nito tungkol sa kanilang pagkatao?

yey. grabe, magbabakasyon na... yesss.
goodluck sa papers nyo!

Lariosa: huling txt, este huling post pala

wala na ako sa katinuan... kailangan ko ng umuwi ng bahay. ito na ang huling post ko sa araw na ito... may natutunan ako kanina sa klase...

madalas pa naman akong magsabi ng ganun, ganun talaga, wala lang at iba pang katumbas ng mga salitang ito. hindi ko napapansin na sa bawat pagsambit ko ng mga katagang ito ay sinusubukan ko na rin palang putulin ang usapan. titigilan ko na! pangako!

nangyayari sa akin ang eksena ng pamatay chika na text. matagal ko ng iniiwasan ang ganitong eksena sa tuwing magkakasama kaming magkakabarkada ngunit sa tuwing may isa sa amin ang maglalabas ng cellphone, automatic, tumitigil ang aming chikahan! naaasar ako sa tuwing magaganap ang ganito... ang dating tuloy, nakipagkita ka sa isang taong sinasabi mong miss na miss mo na, na kapag nagkita na kayo eh madali kang magsasawa sa kanya at maghahanap ng ibang kausap, sa pagkakataong ito, isang katextmate ang gusto mo! ang masama pa, habang may kasama ka, mas busy ka pa dun sa katext mo kaysa sa pakikipag-usap sa taong nasa harapan mo na!

hindi ako nagmamalinis, aminado akong ginagawa ko ito. pero sinusubukan ko ng bawasan, mas maganda kung makakaya kong pigilan... pero aaminin kong matindi talaga ang tukso ng txt.

Lariosa: kakornihan


hindi tayo hayop, hindi tayo tao... bagay tayo

hindi ka ba napapagod?
hindi. bakit?
kasi kanina ka pa tumatakbo sa isip ko...

Lariosa: unlimited...

active na ngayon ang 25/8 unlimited call and unlimited text ng smart. nabasa ko ito kahapon sa libre! syempre, tulad ng iba pa nilang ad, buong center fold ng dyaryo ang ad nila. tapos meron pa sa ibang page nito! grabe! ang yaman ng kanilang kumpanya! enewei, ang kanilang ad ay tulad din sa todo tawag at todo text ng touch mobile. "magandang serbisyo, abot ka saan mang sulok ng Pilipinas!" grabe na talaga ang mga unlimited calls and text ngayon! lahat sumunod na sa sun! aba! dapat lang noh! ang laki kaya ng kinikita nila mula sa mga subscribers tapos magrereklamo sila laban sa sun? dapat noon pa nila ito ginawa! unlimited ang kanilang pagkaganid! dagdag pa ang mga sinasabi nilang special features na makakausap o makakatxt ng kanilang subscribers ang mga paborito nilang artista! sobrang pang-uuto! unlimited sa pagkagahaman!

Lariosa: cool and clean vs virgin

nasa casaa ako kanina, habang naghihintay sa isang kaibigan nang mapansin ko iyong mga bote ng c2 sa chinatown! aba, usong uso talaga ang inumin na ito. mapasaan ka pa, sa tindahan man ng fishballs o sa seven 11, makikita ang inuming ito! malamang na ito ang dahilan kung bakit naisipan ng coca cola na magpapromo ng pitong piso na halaga ng kanilang produkto. hehe! mukhang nakahanap sila ng katapat ha! bakit nga naman hindi ito ang pipiliin ng mga tao? eh bukod sa mas healthy, may mapagpipilian ka pa dahil may iba't ibang flavor ito! alam kong may iba't ibang flavor din naman ang mga softdrinks tulad ng mirinda (apple, orange, atbp), pepsi (blue at lemon twist), at coke (vanilla). pero kung softdrinks lang naman na tulad ng virgin cola, wag na lang!!!

"pabili nga ng virgin"
"ito ng virgin mo"
"magkano?"

o di ba? talagang nega! parang bentahan ng laman! di tulad ng c2..

"pabili nga ng c2"
"anong flavor?"
"green tea"

mas mabuti nang uminom ng cool and clean na c2 kaysa naman sa virgin cola noh!

Sunday, March 13, 2005

Lariosa: premonition year

tinanong ko kagabi ang mga kaibigan ko kung paano nila gustong mamatay, kung biglaan ba o dahan dahan. nasa lamay kami kagabi kaya ko naitanong iyon. hindi nila ako sinagot. hindi ko alam kung bingi lang sila o ayaw lang talaga nilang pag-usapan ang tungkol sa kamatayan. sabi ko na lang tuloy sa kanila na kapag namatay ako gusto ko "paglisan" ang kantang patutugtugin nila. dun na sila nagreact! sabi nila, ano daw ba ang pinagsasasabi ko! wag daw akong ganun kasi premonition year ngayon! premonition year?! ano ba namang klaseng paniniwala ito! bakit kailangang may ganitong bagay sa mundo? mamamatay naman tayong lahat! nagpatuloy ako sa pagsasabi ng kung anong gusto ko pag namatay ako. gusto ko i-cremate ako.. aba! naiinis na sila sa akin. sinabi ko na lang ng pabiro, kailangang paghandaan noh, magastos atang mamatay! hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang premonition year! kung mamamatay ako ngayon taon, mamamatay ako, hindi dahil sa nagparamdam na akong mamamatay, kundi dahil talagang oras ko nang mamatay!

Wednesday, March 09, 2005

Lariosa: stairway to full house

dapat ipopost ko ito nung miyerkules, kasunod ng warm up na post! aba! kung kelan naman patapos na akong magtype ng post ko eh dun naman nagloko iyong computer na gamit ko! buti na lang naisipan kong i-save as draft ito! haay!

nakakatuwa iyong dalawang koreanovela sa siyete. sobrang nakakatawa iyong full house kung saan ang bida ay si jessie (si jenny sa endless love: autumn in my heart). sabi ng ate ko, parang Pinoy daw ang mga Koreano. paano ang laki ng hawig ng istorya ng full house sa istorya ng mga pocketbook romance novel. andun iyong kwento na artista iyong isa samantalang iyong isa ay isang ordinaryong tao lamang. hahaluan ng kakulitan factor at kung ano ano pang pangpakilig na eksena tulad ng nagtuturuan kung paano magbike at subuan ng pagkain na may kasamang pang-aasar. magka-away sa una pero naiin-love na pala sa isa't isa! ang mushy ng dating pero pinapatulan ko pa rin! hehehe! idagdag pa iyong soundtrack na kahit asan ka ay maririnig mo! nakakarindi na kung minsan pero tuloy pa rin ang mga manonood sa pagsubaybay.

kabaligtaran naman ng full house ang stairway to heaven kung saan sobrang drama naman ang iyong matutunghayan. minsan hindi ko na mateyk ang sobrang kadramahan pero tuloy pa rin ako sa panononod. lalo na iyong tatay ko, ewan ko ba dun, paborito niya raw iyon. talagang sinusubaybayan niya ang bawat eksena. si jody (si janice sa endless love winter sonata) ang bidang babae. kahit na madrama ito, meron pa ring mga kilig moments na matutunghayan sa palabas! pero napansin ko lang na masyadong agresibo dito si cholo (partner ni jody). andyan iyong tipong, hihilain niya na lang bigla si Jody, kakaladkarin! nakakainis lang, kasi parang harassment na ang dating, magpapahila naman si jody. eh kasi naman no choice siya noh! kapag binawi niya kasi iyong kamay niya, baka mapilipit lang, sobrang higpit ng pagkakahawak sa kanya! niweiz, kahit na ganoon, nood pa rin! hehe!

Lariosa: warm up muna...

nahihirapan na ako sa blog natin! sobrang dami na ng nakapost at mahirap nang mag-scroll! o sadyang mabagal lang itong computer na gamit ko?! syempre, tulad ng ibang nagbablog, wala pa akong maisip na ilalagay na post. kung baga, warm up lang ang isang ito. aba! gaano na naman kaya ang itatagal ko sa harap ng computer bago makaisip ng matinong post. wala pa naman na akong pera! hindi na ako nagpa-open time kasi baka sumobra ako ng oras, wala na akong ipambabayad.. sana bago matapos ang isang oras ay may maipost na akong matino! :D

GO: spanglish.. WATCH IT!

sino sa inyo ang nakapanood na ngspanglish? yun yung si adam sandler, tea leoni and paz vega... kainis nga eh sa glorietta lang siya magshoshow.. hindi siya ipapalabas sa ibang cinemas and hindi ko alam bakit.. panoodin nyo ah!! sobrang ganda ng story.. romantic comedy siya na inspirational and sobrang daming lessons ka mapupulot.. un story's abouta mexican woman, si paz vega.. pumunta siya sa states to work as a maid sa family nila sandler tas dun na.. sobrang nkakatawa sya tlga pero maganda and hindi lang puro tawa... sobrang ganda ni paz vega haha.. basta watch niyo ok? super magagandahan kayo promise.. only problem lang sa movie is medyo konti lang dialogues kasi mostly in spanish tas hindi tinatranslate.. no subtitles.. siguro kaya ganun para mas may tama.. ginamit na rin siya para mas bagay sa movie.. un lang.. haha

Monday, March 07, 2005

my head's spinnin-viernes

i dnt know wat 2 do dis days...lyf is a bore n no direction...party and havin fun is my only way out...going home at 4 in d morning has been a routine.. ly s short dey say but d heck! ol i nid s my love... w/c i cnt seem to find.. i know dat person s der sumwer jst w8n 2 b discoverd...acads s a mess. how wil i fix dis? i dnt know.. im hapi? definitely.. but i fil lonely widout sum1 2 col my own.. weeping at nyt n hopin in d morning.. my love is gone n its tym 2 mov on.. widout my love im no1..i jst nid 2 luk 4 anoder 1 2 b called my own..sum1 2 gv inspiration sum1 2 b der 4 me sum1 2 love...

Sunday, March 06, 2005

MUSNGI:ANTIPARA

ITO AY ISANG KUWENTO NA KAPAG NALAMAN NG BARKADA KO NA PINOST KO E WALA NA KONG KAIBIGAN.....JOKE....GUSTO NYA PA NGANG IPA-PUBLISH SA INQUIRER...


itong friend kong ito ay dating taga-New Era...sbi nya e maraming nanliligaw sa kanya dun..at dahil friend ako e naniwala ako..responsibilidad ito(plastik!joke!)so...nagsimula ang pakikipagsapalaran nya kamakailan lamang(palaliman ito)...nagkaroon sya ng subject nung first sem na Malikhaing Pgsulat(at take note pinagsabay nya pati PanPil12)...masaya sya sa pagsusulat....at masaya rin sya sa pagpapa-cute sa classmate nya na cute din naman...naging magkatabi sila...nagbigayan ng cel number...kilig naman itong barkada ko..kilig din ako sa mga kuwento nya....tumagal ang friendship nila...tipong kakaibang friendship..kakaiba kasi tipong nagpapasahan sila ng messages na tipong mag jowawers lang ang puedeng magsendan....at kapag di nagtext ang isa sa loob ng isang araw e magagalit at magtatamo sila....at tipong pag di nagreply ang friend ko dun sa guy e tatawag na ito sa cel na samantalang may landline naman ung friend ko...tipong pag di nagreply ang friend ko e papasahan na sya ng load na 30two times sa loob ng isang araw...pero pag nagkikita sila sa Palma Hall e parang di nila kilala ang isa't isa at sa text lang silang magkakilala...wala talagang pansinan!pero pag alam nilang nagkita sila at walang pumansin..mag-aaway..wow!kakaiba!tumagal ang indang na friendship nila for 8 months na ata..ganito ang takbo ha....sobrang mahal na mahal na ng friend ko ang guy...pero di pa rin nanliligaw pero ang relasyon nila parang sila(sa text nga lang)....nag-away sila isang beses at dahil dun tipong dumudugo na ang tenga ko sa kakarinig sa mga sentimyento ng bruhang friend ko....as ing kahit may nagle-lecture at kahit magkaiba kami ng class...tipong sesendan nya ko ng load pag naubos ang load ko para lang magpayo na sana ay tineyp ko nalang para pakinggan nya..mweis....patuloy ang pagti-text nila..isang araw pumasok siya ng kinikilig...sbi ko bakit?pumunta daw ang dati nyang friend sa bahay na may kasamang kaibigan na taga-Beda din..kailangan daw sya dun sa project nunng friend nya na commercial something..so ayun na nga....nagtataka daw sya kung bakit tatlo ang cel na nakapatong sa table nila samantalang dalawa lang ang bisita nya..yun pala lahat yun dun kay jayson..yung kaibigan ng friend nya...mayaman ito...so yun pala napag-alaman nya na Part daw ng Nestle ay pagmamay-ari nila..wow!so yun lang ang kinaka-kilig nya....kinaumagahan...tinawagan daw siya ng friend nya na bumisita sa kanya..at guess what?kinukuha daw an g number nya..so kinikilig nanaman syang pumasok...kinaumagahan nanaman.....kinikilig daw sya dahil nag-away ang jaison na ito at yung friend nya dahil sa kanya....in short...nwala na sa eksena ang ka-relasyon-relasyunan nya sa text,,,,,dahil yun...may pera itong Jayson....Wow!akala pa naman namin e mahal na nya yung text friend nya...hindi na nya nakita kung sino ang worth dun sa dalawa..yung isa na may pera pero may G.f na o yung isa na wala naman ngang maiooffer pero obvious naman na mahal sya?...hirap naman....praktikalan ito......wagi talaga ito!sabagay.....ASTIG MAGING IBA!

MUSNGI:A SERIES OF UNFORTUNATE EVENTS

KAHAPON..nagsimula ang araw ko na puro kamalasan,kung hindi ba naman e alas otso palamang at knowing na isang buong linggo akong tatlong oras lang ang tulog dahil puro exam kami e tumawag na si Barbie ang partner ko sa kom3...pinaghahanda ako dahil aalis daw kami ng 1 at magkikita sa Camp Crame para interviewin na si Sec.Angelo Reyes...so banas naman ako pero kailangan or else malamang e bumagsak na ko...so...nagtatawag na ko sa mga classmates ko nung high school para manghiram ng tape recorder..aba..natawagan ko na lahat pati yung mga di ko close as ing tipong ngayon ko lang kinausap sa buong highschool days namin...wala pa rin..so..tumawag ako kay Barbie sabi ko walang meron...pinatawag nya ko kay Angela ung classmate namin sa lingg...tumawag naman ako sbi ko peram ng Tape Recorder...so..pumunta si Barbie sa bahay nila since sila ang malapit...pagdating dun videocam ang binigay....at tumawag sa kin si Barbie bumili daw ako ng V8 e di ko naman alam kung ano yun no..joker ba sya...at isa pa nakakatawa..bingi ata si Te...nweis...pinapupunta nya ko sa megamall dun daw ako bumili..nkakatawa e sobrang sayang s oras ang pinagagawa nya kasi imbis na isang sakay lang ako e bababa pa ko tapos ay sasakay ulit..wow..hindi naman kaya ako si Zsa Zsa....pagdating sa meeting place namin..nakakatawa nanaman sbi ni Barbie sa tapat daw ng Crame..nagulat ako dahil walang tao as ing sarado ang gate....nagtanong ako ang sbi tatawid daw pero sumakay nlang daw ako ng jeep at sa gate 1 magpababa....pagdating ko dun wlang Barbie..in short naligaw ako..tinext ko sya at buti nlang inikutan kami ng daddy nya.....andun na kmi sa office ni Angelo...nawalan ng ilaw so natakot kami dahil di namin sya maiinterview..infairness nagkailaw naman....matapos ang lahat ng itatanong..pumunta kami sa gateway para magpakasosyal..joke kakain kami ng Go Nuts Donuts....so tinext ko na yung kasama ko sa b-day ng friend ko...usapan namin ay alas-5 sa main entrance....5:30 na wala pa rin...yun pala 3 ang gate dun so windang ako sa paghahanap...matapos maghiwaly kami ni Barbie hinanap namin ang saskyan papunta sa Cainta..wow kung saan saan kami itinuro tipong naikot namina ng buong Cubao..nahanap din namin pero alas 7 na kami nakasakay...sabi sa amin e bumaba sa Sta.Lucia Mall....lumampas kami dahil hindi naman ganun ang dati naming dinaanan,,,,tumawag ulit kami sabi dapat daw sumakay kami ng junction at bumaba sa metrobank.....lumampas naman kami ng junction.....so naligaw nanaman...pagdating kina Ptrick e 9pm na at eat and run na kami dahil anong oras na kami makakauwi...pag-uwi ko magba-blog na ko...isang oras akong nagda-dial at dedma ang server....so chineck ko walang username...tinanggal ng ate ko...in short nagdamot sya...so lumabas si mama ng ala1 ng umaga walang tinda ang 7 11 s amin.....so ngayon lang ako nakapag blog!

Sunday, February 27, 2005

MUSNGI:see

WHEEW!nakakapagod tong isang linggong to.....puro test...at naku may test pa tau sa panpil sa tuesday....ang sakit sa ulo ng readings di mag sink in sa utak ko..ang lalim kasi ng mga issues pero infairness e pag naintindihan mo naman e wagi sa dami ng malalaman mo..mga tipong simbolism na makikita sa lahat ng napakaliit na parte e gspeech ng mga bida...ang dami lalu na bout kaugnayan nun sa lipunan ngayon.....

Excited na kong mag lunes...sobra kasi may favorite na naman ako....SAVE THE LAST DANCE FOR ME,,,,naman ngaun ang lagi kong inaaabangan..sobrang bilis kasi ng phasing at ang ganda pa ng story..mas like ko sya kaysa sa LIP....kasi mas kilig ito....tipong naiimagine kjo na ung sarili ko as bida ng kuwento..alam nyi kasi guys..bata pa ko e gusto na kapag nagka-bf ako e mala-teleserye ang lovestory namin..kaya lang di pla puede yun dahil iba na ang realidad...dati gusto ko tipong one day e naglalakad nalang ako at may 11 na tao akong makakasalubong sa skul at bawat isa e mag-aabot sa akin ng rose at ang ika-12th ay ung secret admirer ko..wagi db?kaya lang walang nangyaring ganun..pano magkano nga naman ang isang long stem ngaun para ibili pa ko ng manliligaw ko ..e malamang ipanlibre nalang nya sa kin un ng pamasahe...at dati nagde-daydream ako at iniisip ko na tipong candlelight dinner ito sa isng first class restaurant at pagpasok ko dun e dalawa lang kami na reserved na pla ang buong place para saming dalawa lang...wagi ulit...kaya lang di naman sya Araneta para maibigay sakin ang dream ko diba..pampelikula lang talga.....kung sa realidad napakimposible dahil bat namn mag-aaksaya pa ng pera ang guy..e ung gagastusin nyang yun e puede na namin pang lunch un for one week dyan sa beachhouse......hayaan mo na natutulog pa rin naman ako araw-araw so puede pa kong mnaginip dibers...pede na sa akin ung candy na shape rose..harhar....pero studies muna at malamang pag pinagsabay ko pa yan e matulad pa ko sa mga napapanuod ko na nasisira ang buhay.....see!