IF WE LOSE OUR RIGHT TO BE DIFFERENT....WE LOSE OUR RIGHT TO BE FREE.....SO TRY TO BE SOMEBODY!!!!

Friday, April 15, 2005

Lariosa: musta na!!

grabe! matagal din tayong hindi nakapagblog! grabeng yan, namiss ko tuloy ito! hehehe...

wina, madali lang mag-join sa aming org. hindi na kailangan ng kung ano anong pahirap. kailangan lang ay willing kang makatulong at mayroon kang commitment. hindi ko alam kung makaka-pag-recruit pa kami ngayong summer, pero sana... enewei, sa first sem, siguradong magseset-up kami ng sign up booth sa as walk. inform na lang kita.

may mga workshops lang na dapat kang puntahan. may interview din pero sa dulong bahagi na iyon ng application period. may mga akyat sa morong bataan kung saan magtuturo ka ng mga bata. may environmental awareness din kung saan magma-mountain climb tayo.

babala lang, baka kasi mabigla ka once na applicant ka na. maraming kakulangan sa org tulad ng tambayan, miyembro at budget. pero sa kabila ng mga kakulangan na ito, makikita mo na tulong tulong pa rin ang lahat, isang pamilya ang org. marami kang matutunan, sigurado ako dun!

criselle, raymond, jackie, sali din kayo sa UP Laging Pahinungod! once na maranasan ninyong makaakyat sa morong, siguradong gugustuhin ninyong umakyat uli.

Sir U, musta na? sir, kung gusto ninyo po palang mag-gurong pahinungod, pwedeng pwede! nakalimutan ko po kayong sabihan eh. tapos na training nila ngayon, pero meron pa naman next year. mga gurong pahinungod po iyong mga taong nagboboluntir na pumunta sa mga liblib na lugar para magturo sa mga batang kapos sa edukasyon dahil na rin sa kakulangan ng mga guro at kawalan ng mga gamit pampaaralan. iyong batch ngayon ay ipapadala sa masbate sa darating na june. sampung buwan mananatili ang mga gurong pahinungod sa lugar na iyon. kung interesado po kayo sir, taun taon naman po iyon. magkakasama sama ang mga gurong pahinungod mula sa iba't ibang up campus, diliman, manila, los baƱos, visayas, baguio at iba pa..

un lang! ingat kayo palagi!

Sunday, April 10, 2005

SALANG: hi!! weeee... bakasyon na.

hi!!
criselle! cathy! raymond! jackie!!!
haha. astig.
grabe, 'di pa ako nakakapag-beach... tsktsktsk. may masusuggest ba kayo sa'kin na mura at maganda? white sand na affordable? :D sobrang gusto ko na mag-beach... hayy.

cathy, pano sumali sa laging pahinungod? interested ako... org na may magandang cause.

criselle, hehe, napanood ko yung sa 'the buzz' kanina. wahaha. alam mo bang pinagdududahan ko rin yung sekswalidad ni piolo. may mga kilala din kasi akong mga gay na may asawa't anak. it doesn't follow na just because may anak ka ay hindi ka gay. oh well, pero mukha namang sincere si piolo sa pag-defend sa sarili. :]

waaah. medyo boring so far yung bakasyon para sa'kin kaya wala akong makwento.
uy, manood pala kayo ng 'y speak' sa studio 23 minsan... okay din na show yun. sundays 7pm ata. :D

yay!

MUSNGI!SUMAGOT NAMAN KAYO SA PINOST KO HA?

SUMAGOT KAYO PARA BONDING PA RIN AT WALA TAYONG LIMUTAN DIBA..BEST CLASS KO PA NAMAN ITONG PANPIL17 KAYA POST PA RIN TAYO OKI?LOVE YOU ALL!

MUSNGI:HELLOOOOOO!i love you Piolo!

KAMUSTA na ang ever galing kong groupmates?well,ako e oki naman..patuloy na nagiging critic sa mga napapanood ko...all becoz of our PANPIL17!astig maging iba...hehehe..miss ko na kayo seryoso..pati na si sir na laging nagpapatawa..patawang may laman at may sense no...nabalitaan nyo ba yung tungkol kay Piolo?naniwala naman ba kayo...personally,kung tungkol dun sa sex video niya..hindi ako naniniwala kasi naman no walang nunal....kung tungkol sa pagiging joding niya..dun ako medyo naniniwala...ewan ko siguro dahil sa malambot na pagkilos niya na kaya ko siya napag-isipan ng ganun....sabi nga dikta na ng lipunan na maging medyo matigas ang kilos ng mga lalaki....and hindi naman porke may anak ka e lalaki ka na..bakit si Ogie Diaz..pero still nasa paniniwala naman nating mga viewers yan kung anu nga ba ang tingin natin kay Piolo..at kung ano siya para sa atin...nakakagulo lang ay itong channel seven ...wala na talagang ginawang mabuti(except dun sa Darna na wagi talaga kahit pa si Angel locsing di marunonf mag-english ang bida...mwahahaha..infairness bagay sa kanya ang role)sbi daw kasi sadya ang mga paninira kay Piolo..in one part of the argument naman e sa tingin ko freedom of speech naman ang sa channel seven at talaga namang ganun ang kalakaran sa mga talkshow so tanggapin nalang although may point si Piolo na magalit dahil below the belt na ang mga paratang sa kanya...well..ang importante dito ay guwapo pa rin siya at hinihintay ko pa rin ang pagbabalik tambalan nila ng idol kong si Juday..hoy!wag niyong ipagkakalat na jologs ako ha?kasi nga idol ko si Juday!Juday forever!GO!KRYSTALA!